PatrolPH

Sakura park patok sa mga bumibisita sa Atok, Benguet

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 06:16 PM | Updated as of Jan 07 2020 08:04 PM

Sakura park patok sa mga bumibisita sa Atok, Benguet 1
Namumulaklak tuwing Marso at Abril ang mga pananim na cherry blossom sa isang parke sa Atok, Benguet. Screengrab

Kasabay ng paglamig ng panahon, dinarayo ng mga turista ang bayan ng Atok, Benguet para masilayan ang ilang attraction doon - kabilang na ang sakura, o cherry blossom park sa isang barangay. 

Makikita sa Barangay Paoay ang tatlong ektaryang Sakura park, na sinimulang taniman noong 2016. 

Tuwing Marso at Abril namumulaklak ang 35 white at pink na sakura trees na itinanim dito. 

Watch more on iWantTFC

"Ang ganda po niya, para kang nasa Japan tapos napaka-quiet ng place, magandang scenery for meditation," pahayag ng turistang si Mary Rose Leano. 

Maaari ring ma-enjoy ang mini mossy forest sa lugar. May mga kubo at camping areas ding matatagpuan dito. 

Nakakatulong sa munisipalidad ng Atok ang pagpapatayo ng nasabing parke, ayon sa may-ari ng parke na si Edward Haights. 

"Pinahiram namin ito nang libre to maintain the good relationship of Benguet province and Japan. At least dito sa Atok siya naitanim to uphold also the economy of our municipality," aniya. 

Nagtanim din ang mga may-ari ng 50 dancing flower na pararamihin pa ngayong 2020. 

Kung gusto ng side trip, maaaring daanan sa Osocan Spanish Trail na naroon din sa Barangay. 

Maaari ring magpalipas ng gabi sa Wild West-inspired rooms ng Spanish trail. -- Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.