Roxanne Barcelo, itinuro ang kanyang balik-alindog workout

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Para sa balik-alindog 2020, game na nagturo ang aktres na si Roxanne Barcelo ng kanyang workout.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, itinuro ni Roxanne ang kanyang leg at circuit workout na puwedeng gawin kahit saan.

Aniya, tatlong minuto lang ang kailangan para mapaganda at mapalakas ang katawan.

"This is a 3-minute high-intensity interval training workout," ani Roxanne.

"Kapag sinabi mo kasing 30 minutes ay nakakalula. So kapag bet niyo ay times two, dagdag (lang)," dagdag na hirit ng aktres.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 7, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.