Mga pisikal na aktibidad para sa 2022 Sinulog Festival kinansela | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pisikal na aktibidad para sa 2022 Sinulog Festival kinansela

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2022 01:20 PM PHT

Kinansela na ang mga pisikal na aktibidad para sa Sinulog Festival sa Cebu City, ayon kay Mayor Michael Rama.

Karaniwang idinadaos ang Pista ng Sto. Niño tuwing ikatlong linggo ng Enero.

Pero sa halip na mag-prusisyon at street dancing, magkakaroon na lang ng motorcade na mag-iikot ng imahen ng Sto. Niño sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Ito'y sa harap ng muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na sinasabing dahil sa mas nakahahawang omicron variant.

ADVERTISEMENT
Ayon naman sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu, puro online Mass na lang muna ang kanilang gagawin.

Pero papayagan naman anila ang mga deboto ng magtirik ng kandila at magdasal sa candle area ng simbahan.

Sa Biyernes na ang umpisa ng Novena Masses para sa pista.

Noong nakaraang taon din ay nakansela ang mga physical event ng Sinulog dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon sa datos ng city health department, nakapagtala ang Cebu City ng 22 bagong kaso ng COVID-19 noong Miyerkoles, dahilan para umabot sa 43 ang active cases. Noong Enero 1 ay 9 lang ang active cases sa lungsod.

Isinumite na rin ng lungsod sa Philippine Genome Center ang swab sample ng ilang balikbayan para makita kung sila'y may omicron variant.

— Ulat ni Annie Perez
— Ulat ni Annie Perez
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Cebu City
Sinulog Festival
Sinulog 2022
Philippine festivals
Covid-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT