Ano'ng tsaa ang mainam na pantanggal ng stress? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano'ng tsaa ang mainam na pantanggal ng stress?

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2019 05:25 PM PHT

Kung naghahanap ng inuming makatutulong upang mapawi ang nararamdamang stress, inirekomenda ng isang doktor ang pag-inom ng tsaang gawa sa dahon ng avocado.

"Kapag tayo ay feeling natin, sobrang stressed, isa sa mga nakatutulong sa atin para i-destress ay iyong pinaghalong dahon ng avocado," sabi ni Dr. Susan Balingit sa programang "Salamat Dok."

Ayon kay Balingit, may nilalaman ang avocado na nakatutulong sa pag-relax o pagluwag ng pakiramdam ng isang tao.

"Kasi iyong dahon ng avocado, may laman siyang maraming B complex, kasama nito iyong pandan na relaxant," ani Balingit.

Bukod sa tsaang pantanggal ng stress, ibinida rin ni Balingit ang mga benepisyo sa kalusugan ng iba pang uri ng tsaa.

Ayon sa doktora, sakaling makaranas ng ubo ay mainam na uminom ng tsaang gawa sa luya at tanglad.

Sakali raw kumapal ang plema kapag may ubo, puwedeng dagdagan ng luya at tanglad ng oregano.

"On their own, kaniya-kaniya eh. Kasi halimbawa iyong oregano at saka luya, nagsi-synergize siya para lusawin iyong plemang na-create noong nagawa nating ubo't sipon," ani Balingit.

Epektibo din daw ang oregano laban sa hika at bronchitis, luya laban sa pagkahilo at pananakit ng tiyan, tanglad laban sa altapresyon at insomnia o kapag hirap makatulog.

Mainam naman daw na panlaban sa pananakit ng lalamunan at sikmura ang tsaang gawa sa Mentha arvensis o mint plant.

Pareho lang ang benepisyong makukuha ng isang tao sa pag-inom ng tsaang gawa sa pinakuluang halaman at tsaang ininom mula sa mga tuyong dahon sa tea bag, ani Balingit.