'Enero 9 ay paggunita ng Traslacion, hindi pista ng Nazareno' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Enero 9 ay paggunita ng Traslacion, hindi pista ng Nazareno'

'Enero 9 ay paggunita ng Traslacion, hindi pista ng Nazareno'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi pista ng Poong Itim na Nazareno tuwing Enero 9 kundi ito ay selebrasyon sa pag-alaala sa paghahatid ng imahe mula Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo.

Ito ang paliwanag ni Bro. Jun Banaag, host ng "Dr. Love Radio Show" sa DZMM Teleradyo, kung bakit ginugunita taun-taon ang Traslacion.

Ang talagang pista ng Poong Itim na Nazareno ay tuwing Biyernes Santo.

"Pero walang nag-ce-celebrate kasi ito ay nakatuon sa pagninilay sa Passion of Christ," ani Bro. Jun, na isang Dominikanong layperson.

ADVERTISEMENT

Dagdag niya, "Pag-i-po-procession...mawawala ang purpose ng Lenten season."

Paliwanag ni Banaag, ang simbahan ng Quiapo ay isang parokya.

Ang patron ng simbahan ay si San Juan Bautista.

Dagdag niya, ang simbahan ay may dalawang titulo - parokya ng San Juan Bautista at Basilica Minore ng Itim na Nazareno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.