#Ganap2017: DZMM Yearender Report

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 03:20 PM

Naging mapanghamon ang 2017 para sa sambayanan. Kasabay ng pangakong pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte, umusbong din ang mga bagong problema tulad ng terorismo. 

Dahil naman sa giyera kontra droga at magkakasunod na kalamidad, naging laman ang Pilipinas ng international news. 

Nalagay rin sa spotlight ang ilang ahensiya dahil sa katiwalian.

Ang lahat ng 'yan, ilalahad sa #Ganap2017: DZMM Yearend Special Report.

GIYERA SA MARAWI

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maituturing na pinakamalaking kaganapan sa 2017 ang giyera sa Marawi na tumagal ng limang buwan. Marami ang nagbuwis ng buhay sa kaguluhang nag-ugat sa maling paniniwala. Natapos man ang digmaan, buhay na buhay pa rin ang banta ng terorismo. 

KALAMIDAD AT TRAHEDYA 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nalagas ang buhay ng libo-libong Pinoy dahil sa mga trahedya at kalamidad na tumama sa bansa sa 2017. Niyanig ng malalakas na lindol ang ilang probinsiya. Hinambalos ng sunod-sunod na bagyo ang Luzon, Visayas, at Mindanao. At marami ang naulila sanhi ng mga trahedyang tao ang may gawa. Sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling matatag ang sambayanan. 

 WAR ON DRUGS

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging sentro ng atensyon sa Asya ang Pilipinas dahil sa war on drugs. Naging madugo ang mga anti-drug operation ng PNP. Maraming sangkot umano sa droga ang nalagas, kasama ang ilang politiko. Kabi-kabila ang bumatikos sa kampanya kontra droga pero hindi nagpatinag ang administrasyon. 

KORAPSYON SA GOBYERNO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Korapsyon ang isa sa pinakamalaking problema ng bansa. Ilan sa mga umano'y resulta nito ang palpak na serbisyo ng MRT, talamak na "tara system" sa Customs, at isyu ng Dengvaxia. Pangako ni Duterte, lilinisin niya ang burukrasya sa katiwalian—pangakong hanggang ngayon ay naghihintay pa ng katuparan.

DUTERTE LABAN SA MUNDO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kilalang palaban si Duterte sa salita man o sa gawa. Wala siyang inuurungan kahit binabanatan ng mga kritiko sa loob man o labas ng bansa. At sa kanyang ikalawang taon sa puwesto, papainit nang papainit ang laban ng Pangulo. 

BUMIDANG PINOY

Watch more in iWantv or TFC.tv

‘Di maikakaila ang talento ng mga Pinoy—mapa-showbiz man, sa larangan ng pagandahan, o palakasan. At ngayong 2017, muling pinatunayan ng Pinoy ang kanilang galing.

GULO AT TERORISMO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang buwan bago sumiklab ang digmaan sa Marawi, nagimbal ang bayan sa pag-atake sa Bohol ng Abu Sayyaf. Ang kilabot na kidnap-for-ransom group sa Mindanao, tinawid ang Visayas para maghasik ng lagim.

PARA SA EKONOMIYA

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ngayong 2017, naging matinding kalbaryo para kay Juan dela Cruz ang transportasyon. Ang MRT, halos walang araw na hindi nasisira, hanggang sa kumalas ang isang bagon nito habang tumatakbo. Marami ang natuwa sa pagsulpot ng Uber at Grab pero nabalot ito ng kontrobersiya. Ilang beses namang nagwelga ang jeepney drivers at operators dahil sa napipintong pagwalis sa kanila sa kalsada.

POSITIBONG PAGBABAGO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Marami mang problema at pagsubok na pinagdaanan ang bansa sa buong 2017, may mga magaganda ring pagbabagong nasaksihan ang bayan, at inaasahang mararamdaman pagpasok ng 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.