Tag-init, darating pa ba? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tag-init, darating pa ba?

Tag-init, darating pa ba?

Aleta Nieva-Nishimori,

ABS-CBN News

Clipboard

Beachgoers frolic at sunset on Tondaligan Beach in Dagupan City on April 1, 2018. ABS-CBN News

MANILA - "Normal" pa ang tila-naantalang deklarasyon ng tag-init o "hot-dry season" sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, hindi naman umano delayed ang pagde-deklara ng summer dahil talagang mid-March ang average nila dito.

"Kaya nakuha ang mid-March kasi ina-average 'yan lahat within 30 years kung kailan nag-umpisa ang tag-init--minsan April, mid-March, bago mag-April--So pasok pa rin. Normal pa rin," paliwanag ni Aurelio.

Noong 2017, Abril 5 nag-deklara ng summer ang PAGASA. Marso 18 naman noong 2016; Marso 31 noong 2015; Marso 26 ng 2014; Marso 18 ng 2013; at Marso 3 ng 2012.

ADVERTISEMENT

Idinagdag ni Aurelio na pwedeng contributor din umano ang climate change kung saan umiiral pa ngayon ang "weak" La Niña.

"Kasalukuyang nangyayari 'yan. Matatapos 'yan mga April, May, June. Ang amihan babalik pa sa weekend. Hindi pa 'yan tag-init," ani Aurelio.

Inaasahang magdadala ng mahinang pag-ulan ang amihan sa silangang bahagi ng bansa, sabi ni Aurelio.

Ganito rin ang paliwanag ni Analiza Solis ng Climate Prediction and Monitoring Section ng PAGASA.

"Base sa forecast ng PAGASA, until April 7 meron pa tayong surge ng monsoon...amihan babalik so hindi pa rin tayo magte-terminate ng northeast monsoon," sabi ni Solis.

Kapag na-terminate na ang northeast monsoon, magiging painit na ng painit ang temperatura at paunti na nang paunti ang ulan.

Pero dahil sa La Niña, maiksi ang dry season dahil delayed ang terminasyon ng northeast monsoon.

"Darating ang summer pero short dry season--mga 6 weeks lang. 'Yun ang nakikita natin," sabi ni Solis.

Dagdag naman ni Aurelio: "Kailangang walang amihan, dapat panay easterlies ang makaapekto sa atin, effect nito maalinsangang panahon. Pag lahat na yun nakita namin, saka tayo magde-deklarang tag-init na."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.