BALIKAN: Jaclyn Jose, sumikat dahil sa kanyang low-key acting | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BALIKAN: Jaclyn Jose, sumikat dahil sa kanyang low-key acting

BALIKAN: Jaclyn Jose, sumikat dahil sa kanyang low-key acting

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Ang kanyang low-key acting o non-acting ang naging dahilan para tuluyang makapasok sa showbiz ang yumaong aktres na si Jaclyn Jose kahit pa hindi niya ito ginusto.

Pangatlo sa anim na magkakapatid si Jose na sumunod sa yapak ng kanyang kapatid na si Veronica Jones na siyang unang naging artista sa kanilang pamilya. 

Paliwanag ni Jose, ayaw niyang mag-artista dahil sa ang paniniwala niya ay para ito sa mga magaganda at matatangkad na aniya'y wala sa kanya.

Screen grab: YouTube/Ogie Diaz

"But there's this search for 'Chicas,' parang walang ikinaiba 'yan sa 'PBB' (Pinoy Big Brother) 'yung down to 100, to 80, hanggang maging Final 5. Isinali ako ng nanay ko, siyemre ayaw ko, gusto ko mag-aral so nagpapatalo ako, hindi ako umaarte. Eh 'yung mga judges sila Armando Lao, sina Eden Estrella ang gusto pala ay low-key, non-acting, so lagi akong naiiwan. So sabi ko, 'Ano ba ang gagawin ko para matanggal ako rito?," kuwento ni Jose sa vlog ng batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz na inilabas noong Disyembre 2021.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Jose, kahit pa masama ang loob ay ginawa niya ang nasabing pelikula para hindi magalit ang kanyang ina.

"Kailangan ko lang gawin kasi nanay ko magalit. At saka, kailangan tumuloy sa pag-aartista para tuloy-tuloy ang income. After 'Chicas' ginawa ko ang 'Takaw Tukso' nanalo agad ako ng Urian (for Best Actress) tie kami ni Pilar Pilapil and then Lino Brocka na 'White Slavery' then ni-recommend niya na ako kay Chito Roño," ani Jose.  

"In short, I am lucky enough to have worked with this group of people. Ang nakita ko sa show business ay kakaiba sa nakalakihan ko sa ate ko (Veronica Jones). Dito hindi ka kailangang matangkad, hindi kailangang ano, basta naiintindihan mo ang ginagawa mo, you have to be very good at that. Eh I am very observant, magaling akong kumilala ng tao," dagdag ni Jose. 

Screen grab: YouTube/Ogie DiazScreen grab: YouTube/Ogie Diaz

Ayon kay Jose, niyakap niya ang paggawa ng pelikula nang magustuhan niya ang pagganap sa isang karakter.

"Tapos gusto kong i-present sa society itong tao na ito, itong pelikula na ito. Doon ako na-in love na, na-attach na ako in filmmaking. Kailanman ay hindi ako naging superstar o sumikat. So as I go doing acting mas nag-e-enjoy ako," kuwento ni Jose.

ADVERTISEMENT

Si Jose ay binansagan bilang reyna ng underacting o non-acting, isang istilo ng pag-arte kung saan pigil ang pag-atake sa pagbitaw ng mga linya at emosyon.   

Pumanaw ang batikang aktres noong Sabado, Marso 2 dahil sa atake sa puso na siyang kinumpirma ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz sa biglaang pagpanaw ni Jose. Sa social media, bumuhos ang pakikiramay at pag-alaala kay Jose, isa sa pinakamalaging na aktor ng kanyang henerasyon. 

Mga kaugnay na video:






ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.