Pepe Herrera, nagpasalamat sa MIFF Best Supporting Actor award | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pepe Herrera, nagpasalamat sa MIFF Best Supporting Actor award

Kiko Escuadro,
ABS-CBN News
Published Feb 07, 2024 10:38 PM PHT

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
MAYNILA - Hindi man personal na nakadalo sa awarding ceremony ng Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California, malaki ang naging pasasalamat ng best supporting actor winner na si Pepe Herrera sa bagong pagkilala na ibinigay sa kanya para sa "Rewind."

"Thankful ako," bungad ni Herrera sa naganap na thanksgiving media conference para sa kaniyang tagumpay sa MIFF. "Wala akong idea. Akala ko nominee lang, 'yun pala panalo ako, kaya masaya. Siyempre grateful tayo."

Ayon kay Herrera, hindi niya inakala na siya ang papangalanan ng MIFF bilang best supporting actor sa kabila ng mga naging batikos mula sa mga naging nominado dito.

"Ganun naman ata kapag mga award-giving bodies, kasi 'yung mga tao pa rin naman ang pumipili e. So it's always subjective," ani Herrera.

"Kahit naman noong Metro Manila Film Festival, ako personally may mga nagustuhan akong performance. Example, si Ketchup Eusebio for me deserving siya to be nominated for best supporting actor for his performance sa "GomBurZa," kahit na maigsi lang so 'yun; hindi siya na-nominate. Mangyayari at mangyayari talaga 'yan. Kahit sa Oscars, nangyayari iyan. So it's part of life," paliwanag pa ng aktor.

At sa bagong pagkilala na kaniyang nakuha, aminado rin si Herrera na mas nakakadagdag pressure ito sa kaniyang mga gagawing proyekto.

"Laging kasama iyan e', (pero) ginagamit na lang namin to our advantage, to motivate, pero hindi ko na siya iniisip. So basta kapag may bago na lang akong project, nakatuon na lang ako sa gagampanan kong role as truthful as possible," aniya.

Bukod sa blockbuster 2023 MMFF movie enrty na "Rewind" bida rin si Herrera sa comeback movie ni Toni Gonzaga na "My Sassy Girl" at sa upcoming comedy movie ni Enrique Gil, "I Am Not Big Bird."