Gardo Versoza, ibinahagi ang sekreto sa matatag na relasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gardo Versoza, ibinahagi ang sekreto sa matatag na relasyon

ABS-CBN News
Published Feb 14, 2024 01:07 PM PHT
|
Updated Feb 14, 2024 03:33 PM PHT

MAYNILA -- Ibinahagi ng aktor na si Gardo Versoza ang dahilan kung bakit ang kanyang misis na si Ivy Vicencio ang kanyang piniling pakasalan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, muling binalikan ng mag-asawa ang kuwento ng kanilang pagmamahalan at kung bakit nananatiling matatag ang kanilang halos dalawang dekadang relasyon.

"Kasi siya 'yung bukod tanging nakakita ng susi sa puso ko. Finder's keeper. She got to get me, hindi ba?" ani Versoza.

"Sobrang happy naman. Kasi naparamdam niya na secured naman din ang pakiramdam," ani Vicencio na inaming hindi rin naging madali ang pinagdaaanan ng kanilang relasyon dahil sa mga nauugnay sa mister.

"May mga times na susuko ka na pero 'yun nga palagi niyang ini-explain at iba ka roon. Dumating na rin 'yung time na naging open na kami sa isa't isa at inilalatag ang plano, saan ba pupunta, para ako aware din," dagdag ni Irene.

Para sa aktor, isa sa magpapatibay sa relasyon ay ang matinding tiwala at ang hindi panghukat sa nakaraan. Iginiit din nito ang halaga na maging sentro ng pagsasama ang Diyos.

"Saka kasi natanggap naman niya na all bark, no bite naman ako. Kumbaga malandi lang ako talaga, parang 'yun ang nature ko. Hanggang doon lang ako nilalandi ko lang pero walang kinauuwian yon, friendly lang ako," ani Versoza.

Matatandaang Mayo 2019 nang ikasal sina Versoza at Vicencio.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT