Director Rod Singh responds to critics saying 'Drag Den PH' is 'cheap, too femme' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Director Rod Singh responds to critics saying 'Drag Den PH' is 'cheap, too femme'

Director Rod Singh responds to critics saying 'Drag Den PH' is 'cheap, too femme'

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Photo from Rod Singh
Photo from Rod Singh's Instagram account

MANILA — Director Rod Singh responded to critics saying that her reality competition series "Drag Den Philippines" is "cheap and too femme."

In a series of tweets, Singh looked back on how she was criticized for being loud and how the queer community was boxed into stereotypes.

"Danas ko ang matawag na cheap dahil sa pagiging pa-girl na kanal noon. Gaya ng napakaraming baklang kanal na minata-mata ng mga baklang nagsasabi kung paano dapat mag-behave ang mga baklang tulad namin. Walang class, masyadong maingay, masyadong femme," Singh said.

"Lumaki ako sa mundong mababa ang tingin sa mga baklang nagpapatawa — stand up comedy or drag. Mga baklang 'stereotype' kung tawagin ng mga baklang alta ang mga baklang kanal. Na kesyo sinisira ang imahe at respeto na binubuo para daw sa mga bakla," she added.

ADVERTISEMENT

Singh said that many attempted to bury such culture, but it should not be the case.

"Kahit na ako, umabot mismo sa puntong napaniwala ng ganitong mapangmatang suri sa kulturang bakla sa Pilipinas. May pakiramdam ng hiya 'pag nakakakita ng mga ganitong tipo ng bakla. Pero dahil hindi sila mabura, pinipilit silang tabunan, itago, sa mga kwentong inaangat natin," the director said.

"Mga kwentong pinaniniwalaang nagbibigay ng bagong imahe sa pagiging bakla. Pero napagtanto ko noong ilubog ko ang sarili ko sa kulturang pilit nating nililibing, hindi bagong imahe ng bakla ang kailangan natin kung hindi bagong suri," she added.

The director said that there are many layers in the queer community and we should embrace them.

"Hindi kailangan isa lang ang maging mukha ng kabaklaan sa Pilipinas. Marami tayong kulay. Hindi dapat asim ang manguna kapag may ibang mukha ng kabaklaan ang umaangat. Hindi din dapat inis ang pinapairal kapag mga mukha itong iba sa inaasam mo para sa 'yo," Singh said.

"Masyado tayong nalibang sa kontes, nakalimutan na nating maging tao. Kaya ang tingin natin sa kapwa natin ay kompetisyon na dapat ibinabagsak. Sinanay natin na isa lang o iilan lang ang dapat bida, reyna, o maganda. Ang sinumang humamon ay dapat itinutumba. Nakakalungkot," she added.

Instead of looking down on others, Singh hoped that the LGBT community would help each other in highlighting their talents to the world.

"Sana, sa halip na ilubog ang isa para umangat ang isa pa, bakit hindi natin ito pag-tulung-tulungang iangat? At mangyayari lang ito kung bibitawan natin ang hiya sa pagiging bakla at kasama dito ang mga baklang ibang kuwento at anyo ang dala," Singh said.

"Kung tutuusin, tayo lang din naman ang gumagawa ng guhit. Iisa pa rin naman ang tingin ng lipunan sa atin. Masyado nating hinihiwalay ang bawat kulay ng rainbow, nakakalimutan natin na sama-sama naman silang nagbibigay kulay sa langit," she added.

"Nakatutok kasi ang atensyon ng ilan sa iisang kulay, mukha, o kwento. Bakit hindi hayaang ikuwento ang iba? Hindi naman kailangan mahalin, pero wag naman hiyain ang kultura o anyong iba sa trip."

Singh added that she will not get tired of uplifting the community now that there are more platforms opening for LGBTs.

"Ngayong nabigyan ako ng pagkakataong iangat ang mga kuwento at anyong pilit na inililibing, hindi ko ito sasayangin. Alam kong may mga aaray, iirap, o magsasalita ng masakit. Naranasan ko na ang lahat ng iyan. Ngayon pa ba ako magdadalawang-isip? Uulit-ulitin ko na hindi kulang ang mga bakla sa talento, kulang tayo sa oportunidad. Kaya sana, bukas tayo sa iba’t ibang oportunidad na para sa mga talentong hindi niyakap, hindi pa niyayakap, o ayaw nang yakapin dahil hindi lang ito tungkol sa iyo," Singh said.

"Hiling ko makagawa ng espasyong bukas para sa lahat ng bakla, ano man ang katangian nila o antas sa pamumuhay. Isang espasyo na walang iiwanang kulay, kultura, talento, anyo, o katangian. Hindi naman siguro masama na asamin ito. Pero ang hiling na ito ay hindi lang bulong sa langit dahil kasabay nito ang paggugol ng oras at talento ng napakaraming manlilikha para lang mangyari ito. Lakas at tibay ng loob ang sinusubok ng hiling na ito. Kaya sana, mas dumami pa ang mga humihiling nito," she added.

"Pagod na 'ko matalo ang baklang tulad ko sa buhay. Sana kahit sa mundong ginagawa ko sa mga kwento ko, manalo naman ang mga gaya ko. Wag sana ito ipagkait. That’s all. And I, Thank yew."

Hosted by Manila Luzon, "Drag Den Philippines" was launched last December 8 on Prime Video.

The show was unveiled in July 2021 as the “first-ever drag reality show” in the country, and by August held its auditions for aspiring queens.

However, it was “Drag Race Philippines,” the local version of the wildly popular “RuPaul’s Drag Race,” that first aired with Precious Paula Nicole winning the crown.

Manila Luzon made their international breakthrough via “RuPaul’s Drag Race” in 2011. They then appeared in two “All Stars” editions of the show, in 2012 then in 2018.

Related video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.