MMFF 2018: 'Fantastica' at 'Jack Em Popoy,' nangunguna sa takilya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMFF 2018: 'Fantastica' at 'Jack Em Popoy,' nangunguna sa takilya

ABS-CBN News
Published Dec 26, 2018 12:41 PM PHT
|
Updated Dec 26, 2018 08:48 PM PHT

MANILA -- Nangunguna sa takilya ang pelikula ni Vice Ganda na "Fantastica" at ang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" na pinagbibidahan naman nina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza.

Ito ang sinabi ni Noel Ferrer, spokesperson ng Metro Manila Film Festival (MMFF), sa panayam sa DZMM nitong Miyerkoles.

"Ang sinabi sa akin, ganito na lang ang mangyayari kasi kawawa naman 'yung nagla-lag behind. I can safely say that we are really so happy and we are going to the target na P1 billion. Kaya lang, gusto sana natin equal distribution hanggang kaya ng lahat ng mga pelikula. Pero as expected, 'yung mga pelikula ni Vice Ganda at saka ni Coco Martin at Vic Sotto ang nangunguna sa takilya," aniya.
"The large part of the pie was really that of Vice Ganda and that of Coco Martin and Vic Sotto," paliwanag ni Ferrer na sumagot ng "yes" nang tanungin kung "in that order" ang estado sa takilya ng mga pelikula na pinagbibidahan ng mga nasabing aktor.

Sumunod naman sa "Fantastica" at "Jack Em Popoy" ang "Aurora" na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

ADVERTISEMENT
"'Yung pangatlo, medyo malayo, 'yung kay Anne Curtis," ayon kay Ferrer, na hindi pa makapagbigay ng opisyal na kita ng mga pelikula.

Tatagal sa sinehan ang mga pelikulang Pilipino na kalahok sa MMFF hanggang Enero 7.

Sa Huwebes, Disyembre 27, magaganap ang MMFF Awards Night sa The Theatre at Solaire.