Melai Cantiveros, masaya na makatrabaho sina Toni at Alex sa 'The ExorSis' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Melai Cantiveros, masaya na makatrabaho sina Toni at Alex sa 'The ExorSis'

Melai Cantiveros, masaya na makatrabaho sina Toni at Alex sa 'The ExorSis'

ABS-CBN News

Clipboard

Director and stars of comedy-horror film
Director and stars of comedy-horror film "The ExorSis." Photo courtesy of Melai Cantiveros. Instagram

MAYNILA -- Malaki ang pasasalamat ng komedyanteng si Melai Cantiveros sa pagiging parte niya ng pelikulang "The ExorSis" na pinagbibidahan ng magkapatid na Gonzaga na sina Toni at Alex.

Sa Inside News ng Star Magic, ibinahagi ni Cantiveros na nagpapasalamat siya na maging bahagi ng pelikula na isa sa mga kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Sobrang grateful talaga na masali na naman ako sa MMFF. And kasama ko ang favorite person ko sa showbiz. Mga close friend ko talaga na sina Ate Toni at Alex," ani Cantiveros na ibinahagi rin ang masayang karanasan niya habang ginagawa ang pelikula.

"Hindi ka kakabahan sa set ba. Pagpasok mo sa set alam mong ka-close mo lahat. Alam mo na tutulong ka talaga. Mayroon kang ambag na tutulong ka talaga na mapaganda ang show na ito kasi alam mong family ka nila eh," ani Cantiveros.

Dagdag niya, ito rin ang unang beses para sa kanya na sumabak sa lock-in shooting.

ADVERTISEMENT

"Enjoy kami lahat. Sa likod na problema na dumating sa pandemic at franchise (ng ABS-CBN) nagkaroon ulit ako ng ka-chikan. Kasi wala tayong ka-chikahan noon ng ilang months. Tapos grabe tawanan namin kasi naka-lock in kami. So first time ko na mag-lock in 10 days kami roon. Si ate Toni rin first time niya mag-lock in miss na miss niya si Seve. So hindi lang ako nag-iisa na may anak, si ate Toni may anak din siya so 'ate Tons kaya natin' sabay iyak na lang kami kunwari, pero hindi kami maiiyak kasi si Alex 'hoy! walang ganyan.' So sobra, the best experience talaga 'yan sa akin nung nag-shooting kami ng 'The ExorSis,'" ani Cantiveros.

Sa pelikula, ang karakter ni Cantiveros na si Jessa Mae ay ang matalik na kaibigan ng mga bidang karakter na gagampanan naman nina Toni at Alex.

Sa direksiyon at panulat ni Fifth Solomon, mapapanood ang "The ExorSis" sa mga sinehan sa Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Kabilang din sa mga bituin ng pelikula sina Dennis Padilla, Kat Galang, Joel Saracho, Tess Antonio, Kedebon Colim at Isay Alvarez.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.