Wall art ang handog ng local surfer para sa reggae singer na si Kokoi Baldo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Wall art ang handog ng local surfer para sa reggae singer na si Kokoi Baldo

Wall art ang handog ng local surfer para sa reggae singer na si Kokoi Baldo

ABS-CBN News

Clipboard

Wall art ang handog ng local surfer para sa reggae singer na si Kokoi Baldo

Ibinahagi sa social media ni Khent Rio Durban ng bayan ng Hinobaan sa Negros Occidental ang ginawa niyang wall art sa Sipalay City. Mukha ito ng yumaong reggae singer at dating "The Voice Philippines" Season 2 contestant na si Kokoi Baldo ng Bacolod City.

Watch more News on iWantTFC

Kuwento ni Khent, maaga siyang nagising kahapon dahil maginaw, at tiningnan niya ang kanyang cellphone ay nabigla siya sa nakita niya sa social media.

Namatay ang kanyang idolo na si Kokoi matapos mabangga ng truck ang kanyang motorisklo.

Mula sa pagiging big fan naging magkasama sila sa surfing kaya't naging magkaibigan. Sa tindi ng kanyang pagdalamhati, naisipan niyang gumawa ng wall art.

Tribute umano niya ito sa kanyang idolo. Gamit ang rollers at brush nabuo niya ang mukha ni Kokoi. Halos limang oras niya rin itong natapos.

ADVERTISEMENT

Gusto ni Khent na kahit wala na ang kanyang idolo, hindi siya makalimutan ng mga tao.

Naging instant stop over naman ito para sa mga motoristang umiidolo kay Kokoi. Nagpapa picture sila sa wall art.

— Ulat ni Romeo Subaldo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.