PatrolPH

OPM icon na si Heber Bartolome inalala sa ‘ASAP Natin ‘To’

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2021 03:49 PM

Watch more on iWantTFC

Inalala sa “ASAP Natin ’To” ang OPM icon na si Heber Bartolome nitong Linggo.

Inawit nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Jed Madela, Jason Dy, at Nyoy Volante ang kilalang kantang “Tayo’y Mga Pinoy” ng yumaong singer-songwriter.

Pumanaw si Bartolome nitong Nobyembre sa edad na 74.

Kasama ang mga kapatid na sina Jesse at Levi, binuo nina Heber ang grupong Banyuhay na sumikat noong 1970s sa mga kanta nila ukol sa karaniwang tao at mga kinakaharap nilang isyu sa buhay. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.