VIRAL: Maja, sumabit sa helicopter para sa 'Wildflower'

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2017 11:19 AM

MANILA -- Viral ngayon ang video ni Maja Salvador kung saan makikita ang walang takot niyang pagsabit at pag-akyat sa helicopter para sa sikat na seryeng "Wildflower."

Sa Instagram, ibinahagi ni Maja ang kanyang stunt na siyang kinabiliban ng kanyang mga tagahanga.

 

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

 Sa kinukuhaang scene na kita sa video, kinailangang sumabit at akyatin ni Maja ang helicopter para mahabol si Red Dragon, ang karakter na ginagampanan ni Zsa Zsa Padilla. 

 

A post shared by Maja Salvador (@iammajasalvador) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.