Zephanie Dimaranan, pinaghahandaan ang duet kina Sarah at Regine

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2019 04:17 PM | Updated as of Nov 26 2019 04:37 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephanieodhene) on

MAYNILA -- Handang-handa​ na ang "Idol Philippines" grand champion na si Zephanie Dimaranan para sa kanyang first major concert na gaganapin ngayong Nobyembre 28.

Rehearsals pa lang, magkahalong kaba at pananabik na ang nararamdaman ni Zephanie.

"Sobrang feel ko na po ang kaba, excitement and at the same time, lalo na po ngayon last day na po ng rehearsal," aniya sa panayam. "Siyempre pangarap ko po ito, pero hindi ko naisip na ibibigay agad nang ganito kabilis ang opportunity and ang blessing na binigay po para sa akin."

Dagdag kaba rin daw para kay Zephanie ang makasama sa isang entablado ang kanyang mga idolo na sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo na special guests sa kanyang unang concert.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephanieodhene) on

"Siyempre icons po sila, and 'yung pressure na kailangan na andon din po ako, sa best ko. Mas happy po ako na looking forward po ako sa performance po namin sa concert kasi it's a dream come true," ani Zephanie.

Samantala, mas makulay raw na haharapin ng kanyang pamilya ang Pasko dahil sa mga blessings na dumating sa kanilang buhay.

"Sabihin na natin na mas makakapag-bond ako with my family and friends nang parang walang limit and parang very special po ng year na 'to para sa akin dahil sa dami ng blessings," ani Zephanie.

Mapapanood ang unang concert ni Zephanie sa New Frontier Theater ng Araneta City, Cubao ngayong Huwebes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.