'Ultraelectromagneticpop' album ng Eraserheads, 25 years na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Ultraelectromagneticpop' album ng Eraserheads, 25 years na

'Ultraelectromagneticpop' album ng Eraserheads, 25 years na

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Muling mapapakinggan ang mga classic na awitin ng Pinoy rock band na Eraserheads sa Spotify.

Ito ang naging anunsyo ng frontman ng banda na si Ely Buendia kasabay ng ika-25 taong anibersaryo ng kanilang unang studio album na "Ultraelectromagneticpop."

"Ultraelectromagneticpop! The classic debut album by The Eraserheads celebrates its 25th year with a remastered edition by Bernie Grundman, legendary audio engineer. Relive the memories of this groundbreaking Filipino music milestone," bahagi ng post ni Ely sa Instagram.

Ilan sa mga awitin na bahagi ng "Ultraelectromagneticpop" album ang "Toyang," "Maling Akala," "Tindahan ni Aling Nena," at "Ligaya" na tumatak sa mga kabataan noong dekada '90.

ADVERTISEMENT

Sa darating na Nobyembre 23, mapapakinggan ang remastered na "Ultraelectromagneticpop" album sa Spotify at iba pang music platform.

Taong 2016 nang huling napanood ang Eraserheads para sa isang sorpresang reunion.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.