Kaila Estrada, hindi pa handang makatrabaho ang mga magulang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaila Estrada, hindi pa handang makatrabaho ang mga magulang

Kaila Estrada, hindi pa handang makatrabaho ang mga magulang

ABS-CBN News

Clipboard

Kaila Estrada
Kaila Estrada

MAYNILA -- Aminado ang aktres na si Kaila Estrada na hindi pa siya handang makasama sa trabaho ang kanyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada, mga batikang bituin na kinikilala sa kanilang galing sa pag-arte.

Sa pinakabagong vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Kaila na tila nahihiya pa siyang makasabayan sa pag-arte ang kanyang mga magulang.

"May ganung factor parang nahihiya ako. Parang sa ngayon ay hindi ko po siya nai-imagine. Siguro kasi nahihiya akong magkamali sa harap nila. I think that's part of it," ani Kaila.

"At saka siyempre, it's a different environment, di ba? Magiging work environment 'yon, so hindi ako sanay na kasama sila sa ganung environment. Pero someday sana ay maka-work ko sila," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Kaila, nais muna niyang madagdagan pa ang kanyang karanasan pagdating sa kanyang karera at mapalakas ang kumpiyansa.

"But someday feeling ko magiging masaya naman," ani Kaila.

Nitong mga nagdaang linggo ay muling umani ng papuri si Kaila dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte sa seryeng "Linlang" kung saan kasama niya sina Maricel Soriano, JM de Guzman, Paulo Avelino at ang bidang si Kim Chiu.

Ipinalabas na ang huling episode ng "Linlang" na ekslusibong mapapanood pa rin sa Prime Video kahapon.

Related videos:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.