Christian Bables at Keempee de Leon pinabalik ang sigla ng sinehan sa premiere | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Christian Bables at Keempee de Leon pinabalik ang sigla ng sinehan sa premiere

Mario Dumaual,
ABS-CBN News
Published Nov 16, 2022 08:11 PM PHT

MAYNILA -- Pagkatapos ng matumal na performance sa takilya ng mga pelikulang Tagalog nitong 2022, sinusubukan muli sina Christian Bables at Keempee de Leon na pabalikin ang moviegoers sa mga sinehan.

Magkatambal ang dalawa sa gay comedy drama na “Mahal Kita Beksman” na nag-in-person premiere kamakailan sa SM Megamall sa Mandaluyong.

'Mahal Kita Beksman' movie premiere nina Christian Bables at Keempee de Leon. ABS-CBN News
Dagsa ang fans sa okasyon na ikinatuwa ng cast at staff ng pelikula na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Riot sa katatawanan ang pelikula ni direktor Perci Intalan tungkol sa parloristang karakter ni Keempee na ama ng parlorista at designer na karakter ni Christian na na-in love sa isang beauty queen.

Pinasaya pa ito ng movie theme song na revival ng “Kapag Tumibok ang Puso.”

Baka daw sa comedy gananahan na ang mga taong tangkilikin muli ang sine Pilipino.

“Masaya ‘to! Suportahan natin muli ang pelikulang Pilipino," sabi ni Christian sa ABS-CBN News.

Ito din ang comeback movie ni Kempee pagkatapos ng mahigit isang dekada. "Masaya ako na nabigyan ulit ako ng movie break sa movie at ini-enjoy ko talaga ‘yung character na si Papshiekels. Hopefully, sana meron pang mga susunod!”

Tampok din sa pelikula sina Katya Santos at Iana Bernardez, ang love interest ni Bables, na idiniin na unconditional love ang mensahe ng pelikula.

Kapuna-puna na ang “Mahal Kita Beksman” ang natatanging Pinoy movie na nangahas makipagsabayan sa Hollywood movies tulad ng "Black Panther: Wakanda Forever” at “Black Adam” na namamayagpag sa maraming sinehan sa linggong ito sa Metro Manila at iba pang lungsod.