Mga magsasaka sa Nueva Ecija, tinulungan ng 'Iba 'Yan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga magsasaka sa Nueva Ecija, tinulungan ng 'Iba 'Yan'

Mga magsasaka sa Nueva Ecija, tinulungan ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga magsasaka sa bayan ng Licab, Nueva Ecija.

Nakilala ng Iba Yan sina Andie at Ace Estrada ng Rural Rising Philippines, isang grupo na tumutulong sa mga magsasaka sa bayan ng Licab.

Ayon kay Ace, nagsimula ang Rural Rising nang makita nila ang mga magsasaka sa Benguet na namimigay na ng gulay dahil sa oversupply.

Ayon kay Catalina Dela Peña, ang manager ng The Annunciation Farmers Agricultural Coop, malaki ang naitulong sa kanila ng mag-asawang Estrada para maibenta ang kanilang mga ani.

ADVERTISEMENT

Aminado siya na naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pandemya. May mga iba rin umanong binibili sa mas mababang presyo ang kanilang mga ani.

Sa tulong ng mga donors, nabigyan ng relief packs, Ligtas Bags at iba pang ayuda ang mga magsasakang miyembro ng kooperatiba.

Narito ang kanilang kuwento.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.