Coco Martin: 'Pasensiya na po!' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin: 'Pasensiya na po!'
Coco Martin: 'Pasensiya na po!'
ABS-CBN News
Published Nov 15, 2018 12:03 PM PHT
|
Updated Nov 15, 2018 02:31 PM PHT

MANILA -- "Pasensiya na po!"
MANILA -- "Pasensiya na po!"
Ito ang laman ng caption ng aktor na si Coco Martin sa naging post niya nitong Huwebes sa Instagram kung saan inilabas niya ang poster ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" at ang disclaimer nang nasabing programa.

Nag-post si Coco matapos na umalma ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ukol sa aniya ay negatibong pagganap ng mga karakter na pulis sa nasabing serye.

Nitong Huwebes, sa statement na inilabas ni Kane Choa, head ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications, iginit nitong walang intensiyon ang programa na sirain ang reputasyon ng anumang organisasyon.

ADVERTISEMENT
Sa mahabang panahon, ginampanan ni Coco sa "Ang Probinsyano" ang karakter ni Cardo Dalisay, isang tapat na pulis na inalay ang buhay sa bayan at sa mga nangangailangan.

Dahil sa isang matinding pagsubok, naiba ng landas si Cardo at ngayon ay parte na ng grupong Vendetta na lumalaban sa katiwalian sa bayan.
Misyon din ngayon ng grupo na ibalik sa totoong pangulo ng bansa ang posisyon na inagaw ng bise presidente.