Karla Estrada, umaming 'in a relationship' na

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2019 12:24 PM | Updated as of Nov 14 2019 03:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Matapos lumabas ang mga retrato tungkol sa bago niyang inspirasyon, opisyal nang inamin na ni Karla Estrada na mayroon na siyang bagong pag-ibig.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, inamin na ni Karla na may bago na siyang nobyo na nakasama niya sa naging pagtungo niya sa Japan kamakailan.

"Bukod sa last year na kasama ko ang mga anak ko na nag-snow kami... ito ang pinakamasaya na nakasama ko ang partner naman," pag-amin ni Karla.

At sa pag-amin ni Karla, hindi naman maitago ng kanyang "Magandang Buhay" co-hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang pagkakilig at kasiyahan.

"Ayun na nga, momshies, it's official: in a relationship ang Queen Mother," ani Jolina.

"Inamin na niya sa telebisyon. I love it," ani Melai.

Paliwanag ni Karla, nararapat lang na aminin na niya ang kanyang relasyon dahil sa mabuting tao ang kanyang nobyo.

"Deserve naman. He is a very good man," paliwanag ni Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.