'Kakayanin natin ito': Vilma Santos, nanawagan ng pagkakaisa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Kakayanin natin ito': Vilma Santos, nanawagan ng pagkakaisa

'Kakayanin natin ito': Vilma Santos, nanawagan ng pagkakaisa

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Pagtutulungan ang mensaheng ipinaabot ng aktres at politikong si Vilma Santos, matapos manalanta ang bagyong Ulysses.

Sa Instagram nitong Huwebes, iginiit ni Santos na kailangan ang sama-samang tulungan para malagpasan ang pagsubok dala ng matindi at sunod-sunod na mga bagyo.

"Sama-sama tayong magtulungan upang malampasan natin ang patong-patong na unos na ating nararanasan. Kakayanin natin ito," ani Santos na gumamit din ng mga hashtag na #BangonLipa, #BangonBatangas at #BangonPilipinas.

Si Santos ang kasalukuyang kongresista sa ika-6 na distrito ng Batangas.

Nito lamang Linggo ay hinagupit ng bagyong Tonyo ang Batangas.

Halos dalawang linggo naman ang nakaraan ay napinsala ng bagyong Rolly at Quinta ang Batangas.

ADVERTISEMENT

Nawasak ang tirahan ng libo-libong residente sa nasabing probinsiya matapos ang magkakasunod na bagyong Quinta at Rolly.

Noong Quinta pa lang daw, nasa 1,000 bahay na umano ang nawasak, na nadagdagan pa matapos ang hambalos ni Rolly.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.