Pagpapabawas ng ilong, minsang sumagi sa isip ni Christian Bables

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 08:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Tila nasanay na ang aktor na si Christian Bables sa pangungutya sa kakaibang katangian ng kanyang ilong.

Kasunod ito ng patuloy na pagpuna ng ilang netizen sa social media tuwing napapanood siya sa Kapamilya series na "Halik."

Paglilinaw ng aktor hindi umano dumaan sa kahit na anong enhancement ang kanyang ilong.

"Sanay na," masayang tugon ng aktor habang hinahawakan ang kanyang ilong.

Paliwanag ng aktor, namana niya ang pagkakaroon ng matangos na ilong sa kanyang mga magulang.

"Apat kaming magkakapatid; tatlo sa mga kapatid ko, iba tatay. Lahat kami matatangos ang ilong, nagkataon lang ‘yung sa 'kin nagkaganito lang kasi 'yung mga kapatid ko ang tatay nila Pinoy. Ang nanay ko Española, ang tatay ko Indian," masayang paliwanag ni Christian.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06) on

"Sanay na ako. Bata pa lang ako ang tawag sa 'kin 'Pinocchio,'" sabi pa niya.

Hindi naman nag-deny ang aktor na minsan sumagi sa isipan niya na ipaayos ang kanyang ilong.

"Actually sa totoo po dumaan, gusto ko na pabawasan ang ilong ko, dahil itong Philippine showbiz industry, masyadong malaki ang demand na hindi mo alam kung saan nanggagaling," paliwanag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Christian Bables (@christiaaan06) on

Ayon sa aktor, mas nanaig sa kanya na mahalin ang kung ano ang ipinagkaloob sa kanya.

"Walang kakuntentuhan, kumbaga makakita sila ng artistang pango lalaitin nila, parang ngayon na binigyan kayo ng matangos, ayaw niyo," masayang pahayag ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.