John Adajar nagpaalam na sa ‘PBB’ sa trending na unang eviction night | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
John Adajar nagpaalam na sa ‘PBB’ sa trending na unang eviction night

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Nov 06, 2021 08:43 PM PHT
|
Updated Nov 07, 2021 06:32 PM PHT

Tuluyan nang nagpaalam ang MMA fighter at Mister Supranational Philippines 2021 na si John Adajar sa Bahay ni Kuya matapos maging kauna-unahang evictee sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” celebrity edition.

Nitong Sabado, inanunsyo ni host Toni Gonzaga na si Adajar ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa publiko na dahilan upang maalis na sa kompetisyon.

Nakakuha lamang ng kabuuang 0.30% ng combined save at evict votes ang modelo kumpara sa 45.04% ng nangunang si KD Estrada at 18.44% ni Karen Bordador.

Sa pahayag ng fiancé ni Adajar na si Michaella Arenas, napansin nito ang ilang pagbabago sa kasintahan sa pananatili nito sa Big Brother house.

“Kasi para sa’kin malaki na ’yung naging improvement niya bago pa lang pumasok sa bahay ni Kuya. Pero ang pinaka naging improvement niya ay naging kuya siya ng lahat. Nakaka-proud,” saad nito.

“May respeto sila kay John. Pinaka nakakaantig sa akin ay ’yung mga sacrifices niya para lang magampanan niya bilang tatay at asawa sakin.”

Madamdamin naman ang mensaheng ibinigay ni “Kuya” kay Adajar na napansin ang pagbubukas nito ng kaniyang sarili sa mga nakasamang housemates.

“Natutuwa ako na sa loob ng panahon na inilagi mo sa aking bahay ay binuksan mo ang iyong sarili sa iyong mga kasama. Baunin mo sa iyong paglabas ang ilang alaalang nabuo mo kasama ang iyong pamilya dito sa aking bahay,” ani Big Brother.

Dagdag pa nito, ipinakita ng dating housemate na kaya niyang makisama, magbigay ligay, umunawa, at lumaban para sa kaniyang pamilya.

“Pinatunayan mo na hindi lahat ng tao ay nahuhusgahan lamang sa panlabas na anyo,” pahabol ni Kuya.

Sa kaniyang paglabas sa “PBB”, inamin ni Adajar na mami-miss nito ang kulitan kasama ang mga kasamang boys housemates lalo na bago matulog.

“Definitely ’yung kulitan namin with the boys bago matulog. Ang tagal naming matulog kasi. I’m gonna miss the boys, TJ, Kyle, actually lahat sila. For the first, second week, we’re just sizing up each other. Ngayong third week, we are very close,” saad nito.