Birthday girl Jolina Magdangal, napaiyak dahil sa liham ng mister

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Jolina Magdangal ang maging emosyonal sa liham na natanggap mula sa kanyang asawa na si Mark Escueta para sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, binasa ni Jolina ang liham ni Mark, kung saan binigyang diin niya na ang pagiging magkakampi nila ang isa sa mga sekreto ng kanilang matibay na pagsasama.

Napaiyak naman si Jolina na hindi niya nakasama sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa "Magandang Buhay" si Mark dahil nasa ibang lugar ito.

Nagtungo ang "Magandang Buhay" sa Ilocos Sur para ipagdiwang ang ika-41 kaarawan ni Jolina.

"Pero nag-hope ako na sana ay nandiyan sila, kasi gusto ko silang makasama sa ganito kagandang lugar," ani Jolina.

"Sobrang thank you, kahit sulat ay sobrang malaking bagay na sa akin. Salamat, mahal," ani Jolina na nakatanggap din ng video messages mula sa mga kaibigan kabilang na sina K Brosas, Toni Gonzaga, Ogie Alcasid at dating leading man at screen partner na si Marvin Agustin.

Sa Instagram, muli ring nagbigay ng kanyang mensahe si Mark para sa kanyang asawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Escueta (@markescueta) on

"Wish namin ay sana lagi ka namin makitang nakangiti at masaya. Salamat sa paggiging mabuting ina kay Pele at Vika araw-araw. Congratulations sa lahat ng success at blessings na dumadating sayo. You deseve all of it and more dahil napaka-selfless mong tao. 'Wag mong kakalimutan na sobra kaming proud sa 'yo at lagi kami nandito para alagaan ka. Napakaraming nagmamahal sa 'yo, pero kami talaga ang number 1 fans mo," ani Mark sa caption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.