'Bakit ko siya ikahihiya?: Vice Ganda, Ion isang taon na ang relasyon

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 08:34 PM | Updated as of Nov 06 2019 07:55 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Now I’m in a whole new world with you. #ShibuyaHalloween2019 @pereziion27

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

MAYNILA — Masayang nagkuwento ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa naging bakasyon niya sa Japan nitong Halloween kasama ang nobyong si Ion Perez.

Sa naging panayam kay Vice, idinetalye niya ang kanyang masayang memories kasama ang kanyang inspirasyon.

“Usually, Hong Kong talaga ako 'pag Halloween. E ayaw namin ngayon doon kasi natatakot ako, magulo, kaya naghanap kami. Initially Korea talaga so last-minute decision ‘yung Japan,” tugon ni Vice sa naganap na pictorial ng kanyang 2019 Metro Manila Film Festival movie na “The Mall, The Merrier” kasama si Anne Curtis.

Dito, binigyang linaw rin ni Vice ang kanyang pagiging bukas sa publiko ng kanilang relasyon ni Ion.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You start being happy the moment you stop giving a shit!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

“Freedom is blessed,” tugon ni Vice. 

“It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip mas nae-enjoy namin ang buhay,” paliwanag pa ng “Showtime” host.

Aniya, masaya rin si Ion sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

“He’s very happy. I’m very happy. Kasi dati ‘yun ang parang iniinda kong sakit eh, ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking (nakikilala ko) nakakarelasyon ko, minamahal ko. Tapos, sabi ko ‘yung nararamdaman kong ganun, bakit ko ipaparamdam kay Ion na hindi ko siya ma-i-out, hindi ko masabi nang derektahan at masabi (ang meron kami). Kasi siya ang nauna eh, siya ‘yung mga nagpo-post sa Instagram noon pa eh. Ako, bihira eh,” ani Vice.

“Deserve ni Ion ‘to, kasi mabuti naman siyang tao. So bakit ko naman siya ikahihiya?”

Watch more in iWant or TFC.tv

At sa kanyang paglalahad ng kanilang relasyon ni Ion, pinasalamatan rin niya ang kanyang mga kaibigan na masaya rin para sa kanya.

“I am happy and overwhelmed dahil talagang ‘yung reaction nila (positive). ‘Yun ngang post ko sa Instagram, almost 800,000 likes na. Sabi ko nga, ang ganda ng suporta ng mga tao, parang mahal na mahal nila kami ni Ion,” ani Vice.

At nung tanungin kung gaanong katagal na ang kanilang relasyon ni Ion, pahayag ni Vice, “One year na.”

Sa ngayon, tutok rin si Vice sa nalalapit na pagbubukas ng “The Mall, The Merrier” na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.