Ogie Diaz, pabor ba sa relasyon ni Vice Ganda kay Ion Perez?

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 04:51 PM | Updated as of Oct 30 2019 06:54 PM


MAYNILA -- Isa ang dating talent manager ni Vice Ganda na si Ogie Diaz sa mga nagpahayag ng suporta para sa masayang buhay pag-ibig ngayon ng "It's Showtime" host.

Sa naging panayam kay Ogie, pinuri nito ang kabaitan ni Ion na napabalitang espesyal ngayon kay Vice. 

Watch more in iWantTFC

"Mabait 'yung bata, sobrang bait at sobra siyang mahal," tugon ni Ogie sa press.

"At saka si Ion, 'pag alam niya na masaya si Vice, mas masaya rin siya. At nakakatuwa si Ion, kasi nagbantay talaga 'yan kay Vice sa ospital," aniya pa.

Bilang dating talent manager ni Vice, wala rin nakikitang mali si Ogie sa naging desisyon ni Vice na ilantad na sa publiko ang tunay na relasyon nila ni Ion.

"Malaki na si Vice, alam na niya 'yan, at saka na timing-ngan naman niya. Sino ang kumuwestyon? May nandiri ba? Wala naman. E ganun talaga sa panahon ngayon. Kahit nga ma-in love ka sa aso 'di ba? E happiness niya 'yun e. Ito pa kaya sa tao?" 

"Si Vice din kasi, ang gusto niya sa lalaki hindi siya tinitignan as Vice Ganda, ayaw niya, nao-off siya. Gusto niya si Jose Mari Viceral siya, 'yun ang tingin sa kanya," patuloy pa niya.

"Kaya nga naloloko siya 'pag may lalaki na 'wala akong pakialam kahit Vice Ganda ka no' mas gusto niya 'yung ganun. Ayaw niya ng 'Hi, Vice.' 'Yung humahallelujah sa kanya, ayaw niya no'n. Gusto niya, tinatrato siyang normal na si Tutoy."

Bilang kaibigan rin, naniniwala si Ogie na masaya ngayon ang estado ng puso ni Vice Ganda.

"Sabi nga ni Ion 'di ba, 'hindi siya si Vice Ganda, si Tutoy siya sa akin.'"

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.