Congrats, mama!: Melai Cantiveros kinilala sa pagiging host at media influencer | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Congrats, mama!: Melai Cantiveros kinilala sa pagiging host at media influencer

Congrats, mama!: Melai Cantiveros kinilala sa pagiging host at media influencer

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Kinilala ang “Magandang Buhay” host at komedyante na si Melai Cantiveros sa 47th Global Awards for Outstanding Executives.

Tumanggap ng parangal si Cantiveros para sa kaniyang husay bilang event host at media influencer.

Labis naman ang pasasalamat ng dating “Pinoy Big Brother” winner sa natamong pagkilala at nangakong pagbubutihin pa ang trabaho para makapagpasaya pa ng mga tao.

“Super Thank you po sir/Chairman Ramon P Vasquez. Pagbubutihan kopapo na mapasaya kayu,” ani Cantiveros sa kaniyang Instagram post.

ADVERTISEMENT

Kamakailan lamang, pinag-usapan sa social media si Cantiveros at ang kaniyang dalawang anak kay Jason Francisco na sina Mela at Stela dahil sa kanilang chicken nuggets reaction.

Natuwa ang maraming netizens sa naging reaksyon nina Mela at Stela na tila nagmana sa energy ng kanilang ina. Ayon sa mga nakapanood, tila nanonood sila ng tatlong Melai Cantiveros sa iisang video clip.

Dahil sa sobrang viral nito, nakabuo na rin ang mga netizen ng dance craze tungkol sa chicken nuggets na game na game na sinayaw ni Mela.

Hirit pa niya, maging siya ay tila nalito dahil halos gayang-gaya ng kaniyang mga anak ang kilos niya.

Unang nakilala si Cantiveros nang manalo sa “PBB” noong 2009. Ikinasal naman siya kay Francisco na nakasama niya rin sa loob ng Bahay ni Kuya noong 2013.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.