SB19 ibinida ang kulturang Pinoy sa bagong performance video | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SB19 ibinida ang kulturang Pinoy sa bagong performance video

SB19 ibinida ang kulturang Pinoy sa bagong performance video

ABS-CBN News

Clipboard

Screengrab mula sa video mula sa official YouTube channel ng SB19

Ibinida ng Filipino pop group na SB19 ang kulturang Pinoy sa kanilang performance video para sa Philippines-Korea Cultural Exchange Festival noong Sabado.

Tampok sa video ang SB19 members na sina Josh, Sejun, Stell, Ken, at Justin na nakasuot ng mga handwoven fabrics habang nagsasayaw sa ilang sikat na landmark tulad ng sa labas ng National Museum of Natural History at Rizal Park.

Itinanghal ng grupo ang kanilang mga kantang "Alab" at "Go Up."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang Philippines-Korea Cultural Exchange Festival ay isang taunang pagdiriwang ng pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea.

ADVERTISEMENT

Nag-debut ang SB19 noong Oktubre 2018 sa kantang "Tilaluha", pero mas nakilala ang grupo sa ikalawang kanta na "Go Up."

Sinanay ang grupo ng ShowBT, isang Korean entertainment company.

Ang SB19 ang kauna-unahang Filipino group na napabilang sa Next Big Sound chart ng music publication na Billboard, na sumusubaybay sa mabilis na pagsikat ng mga artist sa mga music website.

Bukod sa SB19, kabilang din sa mga nag-perform sa naturang festival sina KZ Tandingan, Dasuri Choi, at ang Star Hunt Academy Boys.

Nag-umpisa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea nang magpadala ang Pilipinas ng mga sundalo sa Korean war noong 1950 para tulungan ang mga taga-South Korea sa laban kontra North Korea.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.