TINGNAN: Mga gimik ng ilang Kapamilya stars sa Halloween

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2018 05:41 PM | Updated as of Nov 01 2018 07:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naki-ride sa "katatakutan" ang ilang Kapamilya stars na nagpabida ng iba't ibang pakulo nitong Halloween. 

Nagpaandar ng Halloween get-together sina Liza Soberano at Enrique Gil, kung saan kinakailangang dumaan ng mga bisita sa isang haunted house bago makapasok sa venue. 

Nagbihis bilang Joker si Gil, habang si Soberano ay nag-costume bilang si Pennywise mula sa horror film na "It". 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Sa kaniyang taunang Halloween party naman, nagmistulang voodoo house ang bahay ng singer na si Jed Madela, na nagbihis bilang "Pinhead" mula sa pelikulang "Hellraiser". 

SCREENGRAB

Naging peg naman nina Maymay Entrata at Edward Barber ang mga nakakatakot na manikang sina "Annabelle" at "Chuckie" 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Sa HongKong naman nag-Halloween sina Vice Ganda at ang kaniyang mga kasamahan, na nagbigay-buhay kay "Wakanda" sa kanilang Black Panther-inspired outfit. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Nakisama rin ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia bilang Batman at Robin. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.