PatrolPH

Ketchup Eusebio, muling bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2019 12:10 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

MANILA -- Muling ipapamalas ni Ketchup Eusebio ang kanyang galing sa pag-arte sa pagsabak niya sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado, Nobyembre 2.

Para sa paggunita ng Undas ngayong taon, gagampanan ni Ketchup ang karakter ni Ceferino, isang anak na sinubok ang determinasyon para mabuhay . 

Sa panulat ni Bing Castro Villanueva at direksiyon ni Ian Loreños, abangan ang natatanging pagganap ni Ketchup sa MMK ngayong Sabado, pagkatapos ng "The Voice Kids" season 4.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.