Bakit kinuha ni Cong TV na ninong ng anak si James Reid? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit kinuha ni Cong TV na ninong ng anak si James Reid?

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2022 07:08 PM PHT

MAYNILA – Hindi pinalampas ng sikat na YouTube content creator na si Cong TV ang pagkakataon na makuhang ninong ng anak na si Kidlat ang aktor na si James Reid.

Sa kaniyang inilabas na vlog, tila namomroblema si Lincoln Velasquez (Cong TV) sa mga puwedeng maging ninong ng kaniyang unang anak kay Viy Cortez.

Kaya naman nang makasama si Reid sa shooting ng isang commercial para sa isang soda brand ay naglakas loob ang vlogger na imbitahan ang aktor na maging ninong ni Kidlat.

“Can you be the father of my baby? Ay, godfather. I’m sorry I’m nervous eh,” hirit ni Cong kay Reid. “Maybe you want to be the father?”

Natatawa naman si Reid sa tinuran ni Cong ngunit hindi ito agad nagbigay ng sagot.

Kalaunan, muli siyang tinanong ni Velasquez kung papayag ba ito sa kaniyang imbitasyon.

“By the way James, is that a yes — the godfather thing? You don’t have to attend the ceremony. So I can just, you know, maipamalita ko lang sa amin na ninong ka,” sambit ni Cong.

Mabilis namang pumayag ang aktor.
Mabilis namang pumayag ang aktor.
“Okay, why not? Just, I don’t want to be the father,” saad ni Reid.

Ipinanganak ni Cortez si Kidlat noong Hulyo.

Isa sa mga kinikilalang vloggers sa bansa sina Cong TV at Cortez na may 10.7 milyon at 6.12 milyon na subscribers sa kani-kaniyang YouTube channel.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT