TINGNAN: Pacquiao, dumalo sa birthday party ni Annabelle Rama | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Pacquiao, dumalo sa birthday party ni Annabelle Rama

TINGNAN: Pacquiao, dumalo sa birthday party ni Annabelle Rama

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

Photos courtesy of Annabelle Rama
Photos courtesy of Annabelle Rama

Photos courtesy of Annabelle Rama
Photos courtesy of Annabelle Rama

Photos courtesy of Annabelle Rama
Photos courtesy of Annabelle Rama

MAYNILA -- Ipinagdiwang ni Annabelle Rama ang kanyang kaarawan kagabi sa Taguig kapiling ang kanyang pamilya at kaibigan.

Kabilang sa mga nakisaya kina Rama, kabiyak niyang si Eddie Gutierrez, anak nilang si Ruffa Gutierrez at iba pang kaanak sina Herbert Bautista, Senator Manny Pacquiao at misis niyang si jinkee , Senator Sherwin Gatchalian at iba pang personalidad.

Ito’y sa gitna ng kontrobersyal ng kinasangkutan nila ng dating sidekick ni Pacquiao na si Jayke Joson.

Kinasuhan ng cyberlibel si Rama ni Joson dahil as paninira umano nito as kanya sa social media. Ito’y bunsod ng pagtatanggol ni Rama kay Pacquiao sa isyu ng away sa pera nila ni Joson kaugnay ng isang naunsyaming boxing contract.

ADVERTISEMENT

Kinasuhan ni Joson si Rama sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City dala ang mga ebidensya umano ng paninira ni Rama sa kanya.

Bagamat 'di niya direktang pinangalanan si Joson sa kanyang posts sa
Twitter at Instagram, tinukoy ni Rama ang isang taong “kawatan, anay, uod at cancer sa buhay ni Manny.”

Dinetalye niya rin kung paano ito “kumupit ng pera” kay Pacquiao.
Giit ni Joson, siya ang pinapatamaan ni Rama.

Ayon naman sa NBI Special Projects Team magiging patas sila sa imbestigasyon ng kaso. Ayon Kay NBI regional director Atty. Emeterio Dongallo iisyuhan nila ng subpoena si Rama para ipaliwanag ang panig niya sa isyu.

Sinabi ng matriyarka ng pamilya Gutierrez sa ABS-CBN News, okay lang daw na kasuhan siya.

“I am always right. Lahat ng kaso ko pinanalo ko! Tumigil na siya, stop using me. Hindi naman ako kandidato," sabi ni Rama sa kanyang official statement. “Kung hindo, lalabas ko pa mga baho niya at lahat 'yon, may ebidensya!”

Giniit din niya dapat tumigil na si Joson sa paggamit ng kanyang pangalan sa kanyang kandidatura sa H alalan 2022. -- With report from Niko Baua

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.