Ilan ang housemates? Saan at kailan mapapanood ang 'PBB'? Mga bagong detalye, inanunsyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilan ang housemates? Saan at kailan mapapanood ang 'PBB'? Mga bagong detalye, inanunsyo

Ilan ang housemates? Saan at kailan mapapanood ang 'PBB'? Mga bagong detalye, inanunsyo

MJ Felipe,

ABS-CBN News

Clipboard

Aarangkada na ang 'PBB: Connect' ngayong Nobyembre. ABS-CBN

MAYNILA -- As of 3 p.m., Friday, umabot na sa 96,097 ang online audition videos na natanggap ng team ng 'Pinoy Big Brother' para sa kanilang pinaka-latest season na inanunsyo mismo ni Kuya sa 'ASAP Natin 'To' noong linggo.

Ayon kay ABS-CBN TV Production Head Laurenti Dyogi, hindi nila inasahan ang buhos ng mga nais maging housemate at katunayan, unplanned ang 'PBB' season na ito. Kumpara noong mga regular auditions na pisikal na pumipila ang mga aspiring housemates, umaabot lang daw noon ng 15,000 to 20,000 ang auditionees. Pero ngayong online na ang paraan ng pag-o-audition, mas marami nang tao ang nakakapag-submit ng kanilang application.

Ganunpaman, in full battle gear ang buong team ng "PBB" sa mga paghahanda dahil ayon kay Dyogi, sa Nobyembre na magbubukas ang bahay ni Kuya.

"This is a very unplanned season. We didn't plan to have 'PBB' now but for some, siguro because of fate, and the partnership with Kumu, nabigyan tayo ng pagkakataon ng magkaroon ng 'PBB.'"

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ngayon pa lang natutuwa na si Direk Lauren sa palitan ng diskusyon at usapan sa social media tungkol sa "PBB."

"'Yung iba sinasabi na praktisado na raw sila sa bahay, siyempre iba pa rin kung nasa loob ka ng 'PBB.' Sa mga kanya-kanyang bahay natin we still have the comfort — of course komportable naman ang bahay ni Kuya — kasama mo ang pamilya mo, may cellphone ka, may radio ka. Pag nasa 'PBB,' it's a totally different experience."

Labindalawa ang pipiliin maging housemate ni Kuya this season. Pero ayon kay Direk Lauren, magkakaroon pa rin ng back-up, kung sakaling may mag-back out, mag-voluntary exit, magkasakit, o mag-positive sa PCR test.

Bukas ang audition to all Pinoys, here and abroad, dahil sa global ang reach ng livestreaming app at partner ng 'PBB' this season na Kumu. Open to 16-35 years old. Past auditionees ay maaari pa ring mag-audition basta hindi pa sila nagiging official housemate ni Kuya. Bukas din ito para sa ilang celebrities pero titingnan nila ito para hindi naman magkaroon ng advantage laban sa iba pang housemates.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paano mapanood? "PBB: Connect" will be seen all over, from Kapamilya Channel, to A2Z on free TV, to the digital livestreaming of Kumu.

"They have a certain technology na puwede nilang i-incorporate. We are just working out the technical aspect on that," ani Dyogi.

Payo ni Direk Lauren sa mga hahabol at mag-sa-submit pa ng kanilang mga video auditions: "There are no excuses para hindi ka makapag-audition. Wala na 'yung effort na maghihintay ka sa mahabang pila. This may be the last time we're going to do this on a digital platform, so take advantage. If you want to be a housemate, this is a good opportunity na ipinagkaloob ng Kumu."

"Twelve choices plus back-up with some interesting twists that will involve Kumu. Paano ka ba mapapansin? Make sure that it's an authentic way of presenting yourself. Kasi kung hindi 'yun ang totoong pagkatao mo, malalaman at malalaman namin 'yan."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.