Jay R at Mica Javier, ibinahagi ang sikreto ng maganda nilang pagsasama | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jay R at Mica Javier, ibinahagi ang sikreto ng maganda nilang pagsasama

ABS-CBN News
Published Oct 22, 2020 03:42 PM PHT

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Jay R na maging emosyonal nang marinig ang mensahe mula sa asawang si Mica Javier.

Bumisita si Jay R sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes para magkuwento tungkol sa buhay nila ni Mica bilang mag-asawa. Sa pamamagitan ng Zoom ay ibinahagi ni Mica ang mensahe para sa mister.

"Natutuwa ako na mas marami pa akong natututunan sa iyo at nag-e-enjoy ako na mas makilala ka pa as a husband. I will always be here for you, too. Hindi lang ako ganoon ka-vocal katulad mo pero ang isip ko at damdamin ko lagi siyang nago-overflow ng pagmamahal at respeto sa iyo," ani Mica.

"I always tell you, you are the best. Alam mo naman ikaw ang pinakahinahangaan kong performer, artist, person. Sobrang humble. I learned so much from you and as much as you say that you respect me and you love me, I feel exactly the same for you and I'm looking forward to having a family with you too someday, soon. I love you so much," dagdag ni Mica.

ADVERTISEMENT
Nagpasalamat naman si Jay R sa pasensiya at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang misis.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili ng aking partner. Salamat sa pasensiya mo rin sa akin. Of course, I will always be here for you. Lahat ng problema na kailangan ng solusyon, lagi akong nandoon para tumulong," ani Jay R.

Sa panahon ng lockdown, aminado si Jay R na mas nakilala nila ni Mica ang isa't isa. Ayon kay Jay R, mas lalo siyang napamahal sa asawa dahil sa pagpuno nito sa mga pagkukulang niya.

Ayon kay Jay R, malaking tulong ang team work at pasensiya sa kanilang pagsasama.

"Feeling ko if we continue 'yung ganitong keywords -- team work and pasensiya -- I think magiging successful ang aming relationship. 'Yun talaga 'yung what I go by when it comes to the marriage. Siyempre mahal ko si Mica at gusto ko longevity ang mangyari sa marriage namin. 'Yun talaga ang tinututukan ko, respeto sa kanya at pasensiya," ani Jay R.

Para naman kay Mica, respeto sa isa't isa ang susi sa pagsasama nila ni Jay R.

"Na-appreciate ko ang lahat ng pagkakaiba namin ni Jay R. Lalo na nung quarantine na-realize ko talaga kung gaano kami kaiba ... Minsan naisip ko paano kami nag-ge-get along. Pero sobrang effortless nang pagka-mold ng relationship namin kasi nagsimula kami with respect for each other's individuaity at 'yun ang isang bagay na ayaw na ayaw ko mawala sa relationship namin," ani Mica.

"At the end of the day, si Jay R talaga 'yan, ako, si Mica talaga ako. Pero kapag kinombine kaming dalawa we just become stronger together," dagdag ni Mica.

Matatandaang kakasal lang nina Jay R at Mica nang ideklara ang lockdown noong Marso.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT