Ariel Villasanta, nanawagan sa ex-tandem na si Maverick | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ariel Villasanta, nanawagan sa ex-tandem na si Maverick

ABS-CBN News
Published Oct 22, 2019 06:29 PM PHT
|
Updated Oct 23, 2019 08:44 AM PHT

MAYNILA -- Nanawagan ngayon ang komedyante na si Ariel Villasanta ng "Ariel & Maverick" show sa kanyang ka-tandem na si Maverick Relova.

Kasunod ito ng kanilang hindi naging magandang paghihiwalay matapos maudlot ang kanilang mga naging proyekto.

Sa naging panayam ng press sa media launch ng prinoduce niyang pelikula na "Kings of Reality Show," inamin ni Ariel na hindi biro ang kanyang pinagdaanan para mabuo at maituloy ang kanilang pelikula kasama ang dating kapareha na si Maverick.

"Ang istorya po nito ay tungkol sa isang struggling artist, na ako po 'yun. Ginawa ko po lahat ng magagawa ko, lumapit po ako sa mga personalities," kuwento ni Ariel.

ADVERTISEMENT
"Lumapit ako sa kanila para may pinansyal na tulong at advise para mabili ko ang pelikula na na-shelve ng GMA Films 10 years ago na nai-shoot namin sa States."

Kuwento pa niya, kakaiba ang daloy ng kanyang pangarap na pelikula. "Hindi ito 'yung scripted na nag-memorize tayong dalawa. Ito 'yung paglapit ko sa kanila, naka-roll na ang camera kaya kung ano ang natural reaction nila iyun na 'yun," sabi pa ni Ariel.

Dahil sa kakulangan ng pinansyal para maituloy ang kabuuan ng pelikula, sinubukan rin daw ng komedyante na isanla ang kanyang personal na kagamitan sa kanyang mga kaibigan.

"Kay Senator Manny [Pacquiao] medyo malaki ang naitulong niya sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Actually sinasanla ko ang singsing ko, pero sabi niya 'sige na huwag mo na isanla 'yan, ako na bahala.'"

"Pero ganun pa man, kahit na lumapit ako sa kanila e kulang pa rin, kaya naisanla ko ang bahay ko," dagdag pa ng komedyante.

Nakakatawa man raw, alay umano ni Ariel ang kanyang pelikula sa mga kapwa niyang struggling artist na nais abutin ang kanilang mga pangarap.

"Dini-dedicate ko ito sa lahat ng struggling artist kaya medyo nakataya ho ang bahay ko dito. Naisanla ko ang bahay ko dahil sa pelikulang 'to," aniya pa.

"Kaya kapag ako nasa tent na lang, isa lang ibig sabihin non, hindi kumita 'to," ani komedyante.

"I know nakakatawa 'yun pero ayaw ko naman sa lahat 'yung regret na darating ang time na nasa wheelchair ako, sasabihin ko, Bakit hindi ako lumaban? Bakit hindi ko sinubukan? Ito kung ano’t ano man ang mangyari at least sinubukan ko," paliwanag ni Ariel.

Dahil sa pagkaudlot ng kanilang mga planadong proyekto, inamin ni Ariel na ito rin ang dahilan ng pagkakahiwalay nila ng landas ng ka-tandem na si Maverick.

"Alam mo nasaktan talaga 'yun simula noong na shelve 'tong pelikula na 'to e... Masakit, nasaktan si Maverick kaya si Maverick nag-iba ng venture," aniya.

Ayon pa sa komedyante, hindi rin naging maayos ang kanilang naging paghihiwalay. "Medyo hindi na kami nagkakausap," aniya.

Sa huli umaasa si Ariel na maging maayos silang muli ni Maverick at magbalik ang kanilang tambalan.

Mapapanood ang "Kings of Reality Show" ngayong Nobyembre 27.