Kathryn Bernardo, excited na para sa solo movie ni Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 04:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Handang handa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang pagbabalik-teleserye.

Ayon kay Kathryn, naghihintay na lang sila ng tamang script para sa kanilang proyekto na pagbibidahan sa susunod na taon.

"Magpi-pitch na sila before we leave for the States. It's under Dreamscape and we can't wait, pero wala pa talagang idea," sabi ni Kathryn sa naganap na Star Magic Halloween party. 

Dahil magiging abala sa gagawing teleserye, pahinga raw muna ang aktres sa paggawa ng pelikula at mas nais suportahan ang nobyo sa nilulutong solong pelikula nito kasama ang ibang leading lady. 

"So far, wala munang movie, but si DJ [Daniel Padilla] maybe. So abangan nila si DJ this time," sabi pa ng aktres.

Gaya ng kanilang mga fans, handa na rin daw si Daniel sa kanilang nalalapit na pagbabalik-teleserye. 

"So medyo matagal-tagal simula noong huling magka-teleserye kami, so ayun, trabaho ulit and excited na magkasama kami ulit ni Kathryn," sabi pa ni Daniel.

At kung tatanungin sa update sa kanyang ginagawang solong pelikula:"Wala pa tayong official kung ano 'yung movie pero malapit na," aniya.

Pangako naman ni Kathryn, buong suporta ang kanyang ibibigay kung sakaling matutuloy na ang pelikulang pagbibidahan ng nobyo. 

"Excited ako sa movie niya kasi it's my turn to support him and excited ako sa reunion project namin na teleserye," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.