Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, magbabalik-teleserye sa 2020

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 06:21 PM | Updated as of Sep 24 2019 07:26 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

MAYNILA -- Sa isang thanksgiving party masayang inanunsyo ni Kathryn Bernardo ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon nila ni Daniel Padilla para sa isang Kapamilya serye.

"Next year, babalik na kami. Excited kami!" masayang kuwento ni Kathryn sa naging ulat.

"Magkakateleserye tayo next year. Gagandahan natin 'to, promise! So, konting-konting hintay na lang. Iyong iba sa inyo sabi, 'Bakit ang tagal?' Pero wait lang! Wait lang. Kinailangan itong time na ito para makapag-recharge, at full blast na kami pagbalik," sabi ng aktres sa kanyang mga fans.

Ayon pa sa ulat, plano muna magbakasyon nina Kathryn at Daniel bago simulan kanilang proyekto na mapapanood sa sususnod na taon.

"Para reding-ready tayo. So, sana, makapaghintay po kayong lahat," aniya.

Pangako ng aktres: "Gagandahan po namin, so next year will be a good year for KathNiel. Mag-ready po tayong lahat.

Bukod sa bagong proyekto, masaya rin na ibinahagi ni Kathryn ang barber shop business nila ng nobyo.

"Ito ang first-ever business namin ni DJ together! Pinuntahan na namin siya kahapon. Kailangan namin kayo roon, napaka-special nito para sa amin," pahayag ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.