Boy Abunda, simple lang ang plano para sa ika-62 na kaarawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Boy Abunda, simple lang ang plano para sa ika-62 na kaarawan

Boy Abunda, simple lang ang plano para sa ika-62 na kaarawan

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard


MANILA -- Sixty-two years old na si King of Talk Boy Abunda ngayong darating na Oktubre 29.

Kahit marami nang naabot at napatunayan sa kanyang career, simple lang ang kanyang mga plano sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

"I stay home, nagluluto kami ng pansit, nagluluto kami ng kung ano ang mayroon pero ang importante mayroong pagsasalu-saluhan. Pero hosting big parties, wala. Pero a lot of my friends hosts dinners for me," ani Boy.

Isa sa magandang regalo kay Boy ang mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang librong "It's Like This" ng ABS-CBN Publishing.

Dalawang libro pa ang aabangan mula sa TV host.

"I don't know what good I did in the past to deserve all the blessings pero I am humbled sa suportang patuloy na ibinibigay ng ating mga kababayan sa aking libro," ani Boy.

Katatapos lang ng Best Nanay Awards ng Make Your Nanay Proud na adbokasiya ni Boy na may simpleng hangarin sa bawat anak at pamilya.

ADVERTISEMENT

"Kung patuloy ka magpapaalala sa mga bata, sa mga anak, na ipagpatuloy ang pamumuhay that will make our mothers proud eh palagay ko mas maganda ang mundong ito," ani Boy.

Gabi-gabing napapanood si Boy sa "Tonight With Boy Abunda" sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.