Coco Martin, gagawa na ulit ng indie film?

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2019 11:39 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dan Villegas (@danvillegas) on

MAYNILA -- Tila bibida muli ang aktor na si Coco Martin sa isang indie film.

Sa Instagram, nag-post ang direktor na si Dan Villegas ng retrato kasama si Coco at kilalang independent movie producer na si Atty. Joji Alonso.

"Soon!" ani Villegas sa caption.

Bago ito sumikat sa telebisyon, unang nakilala si Coco sa mga ginawa niyang award-winning na indie films, tulad ng mga obra ni Brillante Mendoza.

Wala pa namang detalyeng ibinigay ang direktor sa gagawing pelikula ni Coco na ngayon ay abala sa sikat na Kapamilya serye na "FPJ's Ang Probinsyano" at sa Metro Manila Film Festival entry na "3Pol Trobol Huli Ka Balbon" kasama sina Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.