'Ako ang pinakasuwerteng villain': Baron, nagpasalamat sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 12:24 PM | Updated as of Oct 16 2019 05:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagpasalamat ang aktor na si Baron Geisler na naging parte siya ng sikat na serye ng Kapamilya network na "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa video na inilabas online, ibinahagi ni Baron ang kanyang mensahe para sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanyang kontrabidang karakter bilang si Dante Madarang o Bungo.

"Pakiramdam ko, ako ang pinakasuwerteng villain sa 'FPJ's Ang Probinsyano,'" pauna ni Baron.

"Malungkot, bittersweet actually kasi unang-una, napamahal ako sa character na si Bungo. Napamahal ako sa stuntmen, sa mga goon na sumuporta sa akin kasi kung wala sila ay hindi magiging ganuon kaangas si Bungo. May gains and may pains. 'Yung gain, I gained a lot of knowledge in terms of working with best," aniya.
 
Nito lamang Martes ng gabi namatay si Bungo matapos itong matugis ni Cardo Dalisay, ang bidang karakter ng serye na ginagampanan ni Coco.

Watch more in iWant or TFC.tv

At sa pagpanaw ni Bungo, pinaalalahanan ni Baron ang mga magulang na patuloy na patnubayan ang mga batang manonood sa kung ano ang totoo at hindi at kung ano ang tama sa mali.
 
Sa video, ibinahagi rin ni Baron ang mensahe niya kay Coco.

"Isa kang tunay na ehemplo ng kabataan. Maraming salamat, sir. Ipagpatuloy niyo lang ang magandang gawain niyo sa pagtulong niyo sa mga tao at sa industriya. Sana tumagal pa ang 'FPJ's Ang Probinsyano' at makagawa pa tayo ng mas maraming proyekto," ani Baron.

"Sa akin sa ngayon I'm signing off and I really had a good time... I will never forget this experience, maraming salamat," dagdag ni Baron.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.