Rosanna Roces, umaming nakaranas ng depresyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rosanna Roces, umaming nakaranas ng depresyon

Rosanna Roces, umaming nakaranas ng depresyon

ABS-CBN News

Clipboard

Comic relief o tampulan man ng katatawanan ang kaniyang karakter sa afternoon drama na "Los Bastardos," inamin ng aktres na si Rosanna Roces na sa tunay na buhay, minsan na siyang dumaan sa matinding depresyon.

"Hindi ko nga alam na depression pala 'yon eh," sabi ni Roces sa mga mamamahayag sa media conference ng "Los Bastardos," na kaniya ring pagbabalik-teleserye.

"'Yong mapusok ka lang, lagi kang galit pero 'di ka nakakapag-isip nang tama pero since nagkakaedad ka, nagkakaano ka na, ay, mali pala ang mga ginawa ko dati," paglalarawan ni Roces sa naramdaman.

Inamin din ni Roces na nagdamdam siya nang mawalay sa kaniyang apo na si Gab, na ngayon ay nasa kustodiya ng ama nitong si Jolo Revilla.

ADVERTISEMENT

Anak si Gab ni Revilla sa anak ni Roces na si Grace Adriano.

Pero nakatulong daw kay Roces ang pagpapatawad. Sa katunayan, ani Roces, kasundo na raw niya si Revilla.

"'Pag nakita mo naman na maayos 'yong palaki sa apo mo, nag-aaral nang mabuti, okay na sa akin 'yon," ani Roces.

Samantala, iba raw ang karakter ni Roces sa "Los Bastardos" kumpara sa mga dati niyang ginagampanan, na kadalasan ay mga kontrabida.

"Medyo kaunting comic relief kami kaya magaang, hindi mabigat, hindi ako nahirapan," ani Roces.

Mapapanood ang "Los Bastardos" tuwing hapon ng Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "Kadenang Ginto."

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.