PatrolPH

Maris Racal, nagbigay reaksyon sa pag-iyak ni Loisa Andalio sa 'TWBA'

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2018 07:48 PM | Updated as of Oct 16 2018 08:23 PM

MAYNILA -- Nagbigay pahayag ang Kapamilya star na si Maris Racal sa naging maramdaming guesting ni Loisa Andalio sa “Tonight With Boy Abunda” (TWBA).

Watch more News on iWantTFC

Matatandaan na naging emosyonal si Loisa habang inaalala ang kanilang naging pinagsamahan ng dating BFF.

"Actually to be honest, hindi ko talaga pinanood 'yung video," ani Maris sa naganap na set visit ng ABS-CBN News sa music video ng "Sugarol."

"Kung nami-miss niya (ako), meron namang cell phone. Alam naman niya ‘yung number ko, pwede naman mag-text," aniya

"Idaan na lang po natin sa personal na touch and sa mature na way of saying things," patuloy pa niya.

Ayon pa kay Maris, handa pa rin naman siyang umalalay kay Loisa kung kailanganin siya nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

"As in malapit lang naman kami nakatira and she knows I’m always here for her if she needs me. Nagte-text naman ako if may nangyari sa kanya. So idaan na lang sana sa mas mature na way and kilala namin ang isa’t-isa and alam namin kung ano ‘yung totoo," pahayag pa niya.

Sa huli, hiling lang ni Maris na hindi na lumaki pa ang isyu sa kanilang dalawa at mapag-usapan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.