Alessandra, bida at manunulat ng pelikulang '12' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alessandra, bida at manunulat ng pelikulang '12'

Jeff Fernando,
ABS-CBN News
Published Oct 16, 2017 11:51 AM PHT

MANILA -- Proud si Alessandra de Rossi sa bagong pelikula niyang "12" kasama si Ivan Padilla.

Bukod sa pagiging bidang babae sa pelikula, siya rin ang nagsulat ng script na first time niyang ginawa.

Dito sinagot ni Alessandra kung true-to-life ba ang mga eksenang kanyang isinulat.

"Hindi sa akin based 'yung kuwento. Maraming tao sa paligid natin ang nakaranas ng simpleng mga problema sa magkarelasyon na lumalaki, close sa akin or hindi. Makikita mo dito na parang masasabi natin na pare-parehas lang pala ang problema ng bawat relationship," ani Alessandra.

Inamin ni Alessandra, hindi siya nakapag-aral ng scriptwriting, kaya't kumo-konsulta siya sa ilang kaibigan habang nagsusulat ng kanyang kuwento.

"Mahirap 'yung wala kang training, hindi ka nag-aral under kahit kanino. Honestly may sinusulat akong dalawang ngayon. So nag-enjoy talaga ako mag-sulat ngayon. I don't know who guided me, may mga friends ako na kapag kailangan ko ng tulong. Salamat kasi andyan ang mga kaibigan ko," ani Alessandra.

At sinabi na agad ni Alessandra, huwag naman sana ikumpara ang "12" sa malaking tagumpay ng "Kita Kita" nila ni Empoy Marquez.

"Unfair talaga ang mag-compare ng dalawang bagay na kahit anong gawin mo at pagtabihin mo hindi talaga sila pantay. Maraming naka-line up for AlEmpoy, sobrang dami ang naka-line up for us, sobrang excited ako na gawin yun. Kaya lang siyempre may sarili kaming buhay," ani Alessandra.

Mapapanood ang pelikulang "12" sa darating na November 8 sa mga sinehan mula sa direkyson ni Dondon Santos.