John Lloyd Cruz spotted sa isang jeep sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 12:12 PM

MAYNILA - Usap-usapan ngayon sa social media ang viral na larawan ng aktor na si John Lloyd Cruz habang nakasakay sa isang jeep sa Quezon City.

Sa naging kuha ng isang netizen, sinabi nitong gwapong gwapo pa rin ang aktor na nakangiti sa loob ng jeep habang naka-upo sa kanyang harapan.

"Yung nakasabay mo si John Lloyd Cruz sa Ikot" (huhu ang pogi pa rin)," sabi pa sa post.

Hindi lang ito ang unang beses na nakita ng mga netizen ang aktor. Matatandaan na kamakailan lang namataan din si John Lloyd habang bumibili ng prutas sa isang tindahan sa Pasig.

Oktubre 2017 nang ianunsyo ng Star Magic ang indefinite leave of absence ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.