TINGNAN: Mas simpleng buhay ni John Lloyd Cruz ngayon

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 09:49 PM | Updated as of Sep 02 2018 10:05 PM

@Peopleintheneighborhood Instagram

Hot topic ngayon sa netizen ang isang Instagram video ng aktor na si John Lloyd Cruz habang kumakain ng balut sa bangketa.

Makikita sa video ang tila mas simple na ngayon ng pamumuhay ni Cruz na malayo na sa mundo ng showbiz.

 

Bukod sa pagkain ng balut, spotted din sa Pasig ang aktor habang namimili naman ng prutas. 

Oktubre 2017 nang ikinagulat ng mga fans ng aktor ang naging anunsyo ng Star Magic na naka-indefinite leave of absence si John Lloyd sa showbiz.