Chie Filomeno, may buwelta sa pahayag ni Dawn Chang sa 'Showtime'?

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 07:26 PM | Updated as of Oct 09 2019 12:19 PM

Chie Filomeno and Dawn Chang. Instagram: @chiefilomeno/@thedawnchang

MAYNILA -- Kasunod ng makahulugang "Hindi tayo puwedeng puro aura" na pahayag ng dating miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang sa "It's Showtime," tila agad namang nagbigay ng kanyang sagot ang isa sa mga miyembro ng grupo na si Chie Filomeno.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Chie ang isang video ng kanyang tila pag-eensayo para sa inihahandang dance number.

"Don’t let people stop you from doing what you love most. Do what you need to do to make you happy. Eeeh Eeeeh Eeeeee mo lang sila," caption ni Chie sa post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by CHIE (@chiefilomeno) on

Matatandaan na isa si Chie sa mga miyembro ng GirlTrends na nag-viral dahil sa hindi nila pagkakasabay-sabay sa isang performance sa "It's Showtime."

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa naging panayam noon kay Chie sa "Tonight With Boy Abunda" inamin niya na isa si Dawn sa mga naka-iringan niya sa kanilang grupo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Agosto nitong taon nang nagdesisyon si Dawn na tuluyan nang umalis sa GirlTrends kasunod ng napabalitang hindi pagkakaunaawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.