Billy Crawford, nagsalita na sa pagkawala niya sa 'Showtime' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Billy Crawford, nagsalita na sa pagkawala niya sa 'Showtime'

Billy Crawford, nagsalita na sa pagkawala niya sa 'Showtime'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2018 12:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Billy Crawford sa pagkawala niya sa "It's Showtime," ang sikat na noontime show ng ABS-CBN.

Nitong Biyernes sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Billy na ang pagkakaroon ng oras para sa kanyang asawang si Coleen Garcia ang dahilan kung bakit nawala at nagpaalam muna siya sa "It's Showtime."

"Well right before the wedding kasi medyo naging busy talaga. 'Yun nga one of the reasons na nag-leave muna ako sa 'Showtime,' which sa awa ng Diyos and thank you sa management dito na pinayagan naman ako to be on a leave. Para I can concentrate with Coleen, my marriage, the wedding planning, after the wedding nagpagawa naman ng bahay. So instead naman na magpaasa pa ako na 'oo, babalik ako, babalik ako,' I just took time off na lang," paliwanag ni Billy.

Ayon kay Billy ang pagkawala niya sa "It's Showtime" ay nagbigay ng pagkakataon naman sa kanya para magkaroon ng oras sa sarili, sa kanyang buhay may-asawa at sa kanyang musika.

ADVERTISEMENT

"And it gave me time to concentrate and to focus on myself, my marriage, also my passion din 'yung music ko. So finally after 9 years natapos ko na ang album ko. It's part of my life, my music. It's part of my passion. So hindi ko puwedeng madaliin, at hindi ko puwedeng basta-basta gawin lang din. And 'yung inspiration din coming from Coleen is there. Lahat it's all part of the plan," ani Billy.

Nang matanong kung babalik pa siya sa "It's Showtime," sagot ni Billy: "I'm sure, yes. Pero I'm not sure now kung ano lang ang plano, kung kailan or what. Kasi hindi ko rin alam, kasi I really do want to start a family as well. Ang hirap, I want to be there. I want to be a husband to my wife, I want to be a father to my kids."

Dagdag na paliwanag ni Coleen, nais lang ng kanyang asawa na magdahan-dahan muna.

"May mga tao kasi na kaya. Passion talaga nila to grind everyday. Pero ito kasi si Billy, at this point in his life at 36 years old, he wants to slow down and he wants to focus on family. Buong buhay niya he didn't get to focus on family. Ako hiwalay ang parents ko. So pareho kami na 'yung gusto sa buhay, 'yun talaga ang priority namin is to have a good family life. 'Yun ang pangarap namin," ani Coleen.

Ayon kay Billy, "Work In Progress" ang pangalan ng kanyang bagong album at ang awitin niyang "Filipina Girl" ay parte nito.

"Ang first single ko po it's dedicated to all Filipina girls. It's called 'Filipina Girl.' Maganda siya dahil kasama ko ang isang napaka-talented na producer kong si Marcus Davis at kasama ko rin diyan si James Reid. So, tatlo kami rito. It will be part of my album 'Work in Progress,'" ani Billy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.